CARDINALS SINAKMAL NG LIONS

San Beda vs Mapua

Mga laro sa Martes:

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

8 a.m.- MU vs SSCR (jrs)

10 a.m.- CSB vs LPU (jrs)

12 nn.- MU vs SSCR (srs)

2 p.m.- CSB vs LPU (srs)

4 p.m.- Letran vs AU (srs)

6 p.m.- Letran vs AU (jrs)

HUMUGOT ng lakas ang San Beda kay Javee Mocon nang pataubin ang Mapua, 88-70, upang manatiling walang talo sa apat na asignatura sa 94th NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Nagbuhos si Mocon ng season-highs 22 points at 16 rebounds upang tulungan ang Lions, ang reigning back-to-back champions, na makopo ang ikaapat na sunod na panalo.

Ang output ni Mocon ay doble ng kanyang norms na 11 points at 8.7 caroms.

“It was a total team effort but Javee stepped up big in this game,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez patungkol kay Mocon.

Tumipa si Donaldo Tankoua ng 12 points at 7 rebounds habang nagkasya si Robert Bolick sa pagiging facilitator at nagtapos na may 11 points at 8 assists.

Bumagsak ang Cardinals, pinangunahan ni neophyte Warren Bonifacio na may career-best 19 points, sa 2-3 kartada.

Sa ikalawang laro, ibinuhos ni rookie transferee JP Maguliano ang kanyang lakas nang gulantangin ng Emilio Aguinaldo ang San Sebastian, 79-77, sa overtime upang maitala ang unang panalo matapos ang apat na sunod na pagkatalo.

Nagpasabog si Maguliano, ipinagmamalaki ng Isabela na lumipat mula sa Adamson, ng career-highs 30 points sa 11-of-16 shooting mula sa field at walo sa siyam mula sa free throw line at 17 rebounds upang tulungan ang Generals na maitarak ang panalo.

Nalaglag ang Stags sa 2-4 marka.

Iskor:

Unang laro

San Beda (88) – Mocon 22, Tan­koua 17, Bolick 11, Oftana 10, Canlas 9, Doliguez 6, Tongco 6, Nelle 5, Eugene 2, Carino 0, Cuntapay 0

Mapua (70)  – Bonifacio 19, Pelayo 15, Lugo 8, Serrano 7, Gamboa 6, Victoria 5, Jabel 5, Bunag 2, Aguirre 2, Salenga 1, Biteng 0, Pajarillo 0, Ca-randang 0

QS: 30-17; 46-42; 68-58; 88-70

Ikalawang laro

EAC (79) – Magullano 30, Laminou 13, Garcia 13, Gonzales 7, Mendoza 4, Bugarin 4, Bautista 2, Cruz 2, Diego 2, Robin 2, Tampoc 0, Natividad 0

San Sebastian (77) – Calisaan 23, Bulanadi 14, Capobres 13, Dela Cruz 8, Villapando 7, Calma 7, Sumoda 4, Valdez 1, Are 0, Baytan 0, Desoyo 0, Arciaga 0

QS: 12-19; 28-37; 48-55; 69-69; 79-77

Comments are closed.