CONSIGNEE NG SHABU TIMBOG SA MAKATI CITY

SHABU

PASAY CITY – NAARESTO ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang consignee sa isang kilo ng shabu na nasakote ng mga ito sa Central Mail Exchange Center sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Edison Pascual Chua at Brian James Macatangay Bantegui, mga nakatira sa 2 Rockwell Makati City.

Nahuli itong dalawang suspek sa ikinasang controlled delivery operation kahapon ng gabi ng dalawang ahensiya ng pamahalaan sa isang Sports Bar sa Doña Carmen St. corner Kalayaan Ave. Brgy. Pobalacion.

Nabatid na ang naturang shabu ay umaabot sa isang kilo at nakapa­ngalan kay Edison Pascual Chua , natinatayang aabot sa P6.8 milyon.

Ayon kay NAIA PDEA interdiction task group Gerald Javier dumating ang naturang package sa isang kompanya noong nakalipas na araw na nag mula pa sa Amerika.

Agad na ikinasa ng mga operatiba ang Controlled Delivery Operation laban sa mga suspek  na naging dahilan upang mahuli itong dalawa sa naturang bar. FROI MORALLOS

Comments are closed.