MUNTINLUPA CITY – SWAK sa kulungan ang isang lalaki nang mahulihan ito ng kalahating kilo ng hinihinalaang shabu sa buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa isang parking lot ng kilalang mall sa Alabang.
Sa pagtaya ng awtoridad, aabot sa halagang P900,000.00 ang market value ng nakumpiskang shabu.
Nakilala ang naaresto sa alyas Datu, na iginiit na inutusan lamang siya ng isang kakilala na iabot ang ilegal na droga.
Isasailalim sa pagsusuri ang nakumpiskang shabu para matukoy kung bahagi ito ng naipuslit na droga sa Manila International Container Port.
Ayon sa PDEA bumaba ang presyo ng shabu sa merkado dahil biglang dumami ang suplay nito.
Una nang inamin ng PDEA na ang mga drogang nasabat nila sa mga nakalipas na buwan ay malaki ang pagkakapareho sa naipuslit na droga na bahagi umano ng kontrobersiyal na P6.8 billion shabu shipment. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.