DRIVER ANG DAPAT MAGMULTA SA ‘NO CONTACT APPREHENSION’

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapasada! Kumusta po? Sana po ay ligtas kayong lahat sa masamang epekto ng pandemyang COVID-19.  As always, stay safe and God bless sa lahat. Ang tatalakayin po natin ngayon ay ang tungkol sa ‘no contact apprehension’.

Ang patakaran sa ‘no contact apprehension‘ ng sasakyan ay dapat masusugan upang ang pagmultahin ay ang mga pasaway na drayber sa halip na ang operator ng ibinibiyaheng sasakyan. Ito ang kahilingan ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and and Protection (LCSP) sa kanyang pagbibigay- linaw kung bakit dapat na ayusin ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa transportasyon tulad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng local government units ang naturang patakaran. Sa pakikipanayam ni Jun Legaspi ng People’s Tonight kay Atty. Inton nitong nakaraang linggo, sinabi ni Atty. Inton na ang no contact traffic apprehension policy ay lubos na makatutulong sa pagdisiplina sa mga pasaway na drayber kung ang guidelines o patakaran sa implementasyon nito ay maaayos at masususugan. Nilinaw ni Atty. Inton na lubos na makaaabala sa mga may-ari ng sasakyan kung hindi masususugan ang polisiyang ipinaiiral, gayundin ang pagkalugi ng mga transport owner dahil sa ‘di makatarungang pangyayari na sa halip na ang mga pasaway na drayber sa bawat violation na nagawa ang mapanagot ay ang mga operator ang nababagsakan ng parusa.

Iginiit ni Atty. Inton na kapag traffic violation ang nagawa, ang drayber ang dapat pagmultahin, hindi ang may-ari kung hindi siya ang nagmamaneho. Dagdag na paliwanag ni Atty. Inton na kapag ang violation ay tungkol sa sasakyan tulad ng unregistered o franchise violation, ang may-ari ng sasakyan ang dapat na managot sa naturang paglabag, ayon sa itinatadhana ng batas ng LTO. Sa mga naunang pahayag kamakailan ni Inton, sinabi niya na kaya nagmamalabis ang mga pasaway na drayber ay dahil  kapag sila ay nahuli sa kanilang paglabag sa batas ng trapiko, sa no contact apprehension, ang nakukunang larawan ng CCTV ay ang plate number ng sasakyan kaya pagdating ng notice of apprehension ay ang nakalagay ay ang operator at hindi ang nagkasalang driver.

Ayon kay Inton, bukod sa mas mataas ang multa sa mga LGU kaysa MMDA ay nakasaad sa notice ng MMDA na “in case the driver is not the owner, please send this portion back to o kaya in case na ang sasakyan ay ibenta, sinabi ni Inton na gumawa ng deed of sale at maliwanag na isulat ang tunay na pangalan at address at contact number ng bagong may-ari ng nakabili ng sasakyan.

Ipinaliwanag ni Inton na higit itong makabubuti dahil tanggap ng MMDA na hindi porke nakunan ng CCTV ang sasakyan ay sigurado na ang may-ari ang driver.  Dahil dito, ayon kay Inton, magkakaroon ng pagkakataong maituro ang driver na dapat siyang magdusa sa multang ipapataw ng awtoridad. Sa kasabay na pagkakataon sa panahon ng interview, sinabi naman ni Inton na maganda ang hangarin ng ‘no contact apprehension’ pero, aniya, dapat maipatupad ito nang patas at walang maaagrabyado,

Sa ngayon, aniya, dapat ang LTO ang magproseso muna bago mag-alarma base lang sa isang minor traffic violation na hindi naman kasalanan ng operator ng sasakyan kundi ang abusadong drayber na malakas ang loob sa paniniwalang hindi naman siya ang mamumultahan kundi ang may-ari ng minamanehong sasakyan.

OFWs AT PUV DRIVERS BIBIGYAN NG DOTR NG PROYEKTONG PAGKAKAKITAAN

Inihayag kamakailan ni Department of Transportation Secretary Art Tugade na ang mga driver at conductor ng public utility vehicles, gayundin ang overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho likha ng COVID-19 pandemic,  ay bibigyan ng mapagkakakitaan habang wala pa silang trabaho.

Ayon kay Sec. Tugade, balak ng DOTr na ang nabanggit na displaced workers ay maipasok sa mga proyektong pinangangasiwaan ng ahensiya tulad ng Philippine National Railways (PNR) Clark Phase I project.  Sa pahayag ni Sec. Tugade nitong nakaraang Mayo 26, 2021, ang may humigit kumulang  sa 200 OFWs ay kasalukuyang nagtatrabaho na sa naturang proyekto kaya naman hinihikayat ng ahensiya ang iba pang OFWs na pumasok na rin dito.

Ayon pa kay Tugade, binigyan na niya ng ‘go signal’ ang mga kontraktor na dagdagan pa ang bilang ng OFWs na ngayon ay nakatalaga sa kani-kanilang line of expertise sa trabaho na kanila ngayong inaatupag. Panawagan ni Tugade sa publiko na kung may mga kapitbahay, kamag-anak, mahal sa buhay, at mga kaibigan na gustong maghanapbuhay, papuntahin lamang sila sa kanilang tanggapan nang sa gayon ay mapagkalooban sila ng tulong.

Samantala, sinabihan din ni Sec. Tugade ang mga nawalan ng trabaho sa sektor ng transportasyon, kabilang ang mga PUV driver, na maluwag silang tatanggapin sa nabanggit na proyekto kung nanaisin nilang pumasok dito. Ang PNR Clark Phase 1, ayon pa kay Sec. Tugade, ay ang railway system na mag-uugnay sa Tutuban sa Maynila sa Malolos sa Bulakan na sa kasalukuyan ay halos 45.82 percent nang tapos. Kapag nakumpleto na ang 38 kilometrong rail line ay inaasahang nasa 300,000 pasahero ang  mabibiyaan ng maikling oras na paglalakbay mula Malolos, Bulakan patungo sa Tutuban, Manila — sa loob lamang ng 35 minuto kung ihahambing sa dating ma-higitsa isang oras at 30 minutong nagugugol sa naturang ruta.

LIGTAS NA PAGMAMANEHO KUNG UMUULAN

Nagsimula na ang rainy season.  Ang maraming bahagi ng mga lansangan sa Kalakhang Maynila at maging sa iba’t  ibang bahagi ng bansa ay lumulubog sa baha. Dahil sa katotohanang madaling masira ang mga lansangan kapag bumubuhos ang malakas na ulan, sagabal pa at takaw ito sa mga kapasada na masangkot sa traffic accident. Pinatunayab ng Philiipne National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG), na dumarami ang bilang ng mga aksidente sa daan tuwing panahon ng tag-ulan at ito ang nararanasang hindi naman ikinakaila ng ating mga motorista na ang kinabubuhay ng pamilya ay ang paggulong sa lansangan araw-araw.

ANG HYDROPLANING

Ipinaliwanag ng PNP-HPG na talagang mahirap at hindi ganoon kadali ang magmaneho sa panahon ng tag-ulan lalo na sa mga highway. Ang karaniwang dahilan nito, ayon sa PNP-HPG, ay kalimitang nagkakaroon ng zero visibility sa ating mga highway at dahil na rin sa mga basang kalsada na nakararanas  ang ating mga motorista ng tinatawag na hydroplaning. Ano ba ang hydroplaning?  Para sa kabatiran ng ating mga drayber, ipinaliwanag ni Bert Suansing, isang eksperto sa pagmamaneho at dating opisyal ng Land Transortation Office, na nararanasan ng ating mga drayber ang hydroplaning sa panahon ng tag-ulan. Nangyayari ang hydroplaning kapag matulin ang takbo ng sasakyan.  Ito,  aniya, ang dahilan ng pagkakaroon ng friction between the tire and road. Isa sa pangunahing dahilan ng ganitong sitwasyon ay hindi nakakapit nang husto ang gulong sa kalsada dahil may thin  film of layer ng tubig sa pagitan ng gulong at lansangan, kaya ang tendency ay parang lilipad ang sasakyan, pahayag ni Suansing.

Para sa kapakanang pangkaligtasan ng ating mga kapasada, ipinahayag naman ni Suansing na sa pamamagitan ng isang simulation ang mga dapat gawin kung biglangmawalan ng kontrol sa minamanehong sassakyan.Ang nararapat aniyang  gawin ay alisin ang paa sa accelerator  tapos banayad na tapakan ang  preno, gayundin, kailangang banayad mong kokontrahin ‘yung manibela mo pakanan.  Dahilan nito kapag binigla mo ‘yun, tapos kumapit ‘yung kanang gulong, ang tendency ng sasakyan ay pipihit naman ‘yun.

LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING!

108 thoughts on “DRIVER ANG DAPAT MAGMULTA SA ‘NO CONTACT APPREHENSION’”

  1. Great blog here! Additionally your website rather a lot up very fast! What host are you the usage of? Can I get your associate link for your host? I desire my website loaded up as fast as yours lol

  2. drug information and news for professionals and consumers. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    ivermectin 4000 mcg
    Long-Term Effects. What side effects can this medication cause?

  3. I encountered your site after doing a search for new contesting using Google, and decided to stick around and read more of your articles. Thanks for posting, I have your site bookmarked now.

  4. Nice read, I just passed this onto a colleague who was doing some research on that. And he just bought me lunch as I found it for him smile Therefore let me rephrase that: Thank you for lunch!

  5. I don’t know if it’s just me or if everybody else experiencing issues with your site. It appears as though some of the written text on your content are running off the screen. Can someone else please provide feedback and let me know if this is happening to them as well? This could be a problem with my web browser because I’ve had this happen before. Appreciate it

  6. safe and effective drugs are available. Medscape Drugs & Diseases.
    clomid tablet
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Everything information about medication.

  7. Beneficial Blog! I had been simply just debating that there are plenty of screwy results at this issue you now purely replaced my personal belief. Thank you an excellent write-up.

  8. whoah this weblog is wonderful i like reading your articles. Keep up the good paintings! You already know, many people are looking around for this information, you can help them greatly.

  9. Read here. Get warning information here.
    tadalafil cheap
    drug information and news for professionals and consumers. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  10. drug information and news for professionals and consumers. п»їMedicament prescribing information.
    tadalafil price uk
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. earch our drug database.

Comments are closed.