DRUG SUSPECTS NAKUHANAN NG P400K SHABU

SHABU

QUEZON CITY-ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamunuan ni Director, Chief Supt Joselito  Esquivel Jr. ang tatlong drug suspects na nakuhanan ng P408,000 halaga ng shabu at marijuana at hindi lisensyadong baril.

Naaresto ng mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ng pamunuan ni PSupt Rossel Cejas sina  Conrado Gonzales, 52, ng Caloocan City;  Bernard Bailey, 41, ng  Maynila at Arlene Puno, 43, ng Pasig City bandang alas-12:30 ng umaga  Enero 6, 2019 sa harapan ng Sta. Monica Cockpit Arena sa kahabaan ng Sarmiento St., Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Bukod sa anim na pakete ng hinihinalang shabu at pinatuyong dried marijuana, nakuha rin ng awtoridad ang drug paraphernalia, at caliber .45 pistol na may serial no. 743908, isang (1) magazine na may lamang (6) na  live ammunition, isang (1) Snub Nose caliber .38 revolver na may limang (5) live ammunition, puting sasakyan na may  plate no. TPT 365,   cellphone at cash na may iba’t ibang denomination.

Ayon pa sa imbestigasyon, si Gonzales ang siyang main drug supplier sa lugar at dati ng may dalawang kaso ng droga.

Nakulong ito noong 1994 at nasentensiyahan ng 12 taon, habang noong 2011, muli itong ina­resto ng Pasay City dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga kung saan ito ay naacquitted. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.