Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p..m. – Magnolia vs Ginebra
7 p.m. – San Miguel vs TNT
KINUHA ng Rain or Shine ang unang semifinal berth makaraang pataubin ang NorthPort, 91-85, sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia.
Tumipa si rookie Rey Mambatac, itinanghal na ‘Best Player of the Game’, ng 14 points, 5 rebounds at 2 assists para pangunahan ang Elasto Painters.
“Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya dahil gusto naming manalo. Pinaghandaan at gusto naming manalo. Ayaw naming masayang ang aming pinaghirapan,” sabi ni Mambatac, tubong Cagayan de Oro City.
“Before the game, I talked to the players and reminded them to stay focused and sharpen their offense and strengthen their de-fense to prevent them from getting points,” sabi ni coach Caloy Garcia.
Pinilit ng Batang Pier na maagaw ang panalo subalit bigo sila para maagang masibak.
Unang umarangkada ang NorthPort sa 9-5 subalit biglang nanlamig ang kanilang opensiba at inagaw ng RoS ang kalamangan, 30-25. Sinundan ito ng 13-7 atake sa pinagsanib na puwersa nina James Yap, Maverick Ahanmisi, dating Talk ‘N Text Kris Rosales at Beau Belga upang iposte ang 10 puntos na bentahe, 43-33, sa pagtatapos ng first half.
Mainit si Yap at hindi mapigilan, habang naging virtual prisoner si Stanley Pringle sa mala-lintang depensa ni Ahanmisi, na nalimitahan sa 7 points sa mahigit 30 minutong paglalaro sa lungkot ni coach Pido Jarencio. CLYDE MARIANO
Iskor:
Rain or Shine (91) – Daquioag 15, Nambatac 14, Belga 13, Ponferada 8, Norwood 8, Mocon 8, Yap 7, Ahanmisi 5, Torres 5, Borboran 4, Rosales 4, Maiquez 0, Onwubere 0, Alejandro 0.
NorthPort (85) – Tautuaa 24, Lanete 20, Grey 11, Pringle 9, Taha 7, Bolick 5, Guinto 4, Flores 0, Gabayni 0, Sollano 0.
QS: 14-17, 43-33, 73-62, 91-85
Comments are closed.