Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
5:15 p.m. – NorthPort vs Blackwater
7:15 p.m. – Meralco vs TNT
SINAMANTALA ng Phoenix Super LPG ang kakulangan sa tao ng Terrafirma upang iposte ang 97-74 panalo sa PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo.
Nahirapan si Jason Perkins sa kanyang opensa ngunit tumapos pa rin na may 17 points at 9 rebounds habang nagdagdag si Matthew Wright ng 11 points at 10 assists nang pangunahan ang Fuel Masters sa breakthrough win matapos ang back-to-back losses sa pagsisimula ng season.
“As much as possible we don’t want to go deep into that bottom of the standings, so it’s something big for us,” wika ni winning coach Topex Robinson patungkol sa panalo na abot-kamay na sa dalawang middle quarters nang maitarak nila ang 35 puntos na kalamangan.
“We know how deadly the Dyip are if we take it easy on them and I think one thing that worked for us is we really clamped down on defense and let our offense take care of itself,” dagdag ni Robinson.
Hindi naglaro sina Isaac Go, Ed Daquioag at Eric Camson, na pawang nagtamo ng injury noong nakaraang Sabado, tinangka ni Terrafirma coach Johnedel Cardel ang iba’t ibang kombinasyon at ipinasok pa si third-string center Christian Balagasay sa kanyang starting unit.
Gayunman ay hindi ito umubra at nag-iisa ngayon ang Dyip sa ilalim ng standings na may 0-3 kartada.
Mula sa bench ay pinangunahan ni Joseph Gabayni ang Terrafirma na may 16 points at 9 boards habang nagdagdag si Aldrech Ramos ng 14 points. Subalit ang karaniwang go-to guys na sina Juami Tiongson at Joshua Munzon ay nalimitahan ng matinding depensa ng Phoenix, kung saan nagtala lamang sila ng pinagsamang 15 points sa 6-for-25 shooting.
Naitala ni Javee Mocon ang kanyang sariling double-double na 10 points at 10 boards habang nagtala si Sean Anthony, kinuha sa isang trade sa NorthPort noong nakaraang November, sa kanyang debut sa Phoenix at unang laro magmula noong 2021 Philippine Cup, ng 9 points at 12 boards. CLYDE MARIANO
Iskor:
Phoenix (97) – Perkins 17, Wright 11, Serrano 10, Jazul 10, Mocon 10, Anthony 9, Melecio 8, Tio 8, Porter 5, Lalata 5, Garcia 4, Muyang 0, Rios 0.
Terrafirma (74) – Gabayni 16, Ramos 14, Calvo 9, Tiongson 9, Munzon 6, Gomez de Liano 5, Mina 3, Balagasay 2, Grospe 0, Tumalip 0, Enriquez 0.
QS: 18-14, 44-24, 71-46, 97-74