QUEZON CITY – ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang government nurse at kasama nito sa buy bust operation sa Davao City noong Agosto 7.
Kinilala ang mga naaresto na sina Denver Balibado Arinzol, isang registered nurse sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) at tinukoy bilang high-value target drug personality, at ang kasama naman nito na si John Baluyot Mansueto.
Naaresto ang mga suspek bandang ala-1:25 ng hapon matapos ikasa ng mga tauhan ng PDEA Regional Office XI (PDEA RO XI) sa ilalim ni Officer-in-Charge, Atty. Behn Joseph O Tesiorna, at ng mga pulis ang buy-bust operation sa Cabaguio Inn, Cabaguio Street, Barangay Wilfredo Aquino Agdao, Davao City dahilan ng pagkakaaresto ng mga suspek.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.5 gramo, na tinatayang nagkakahalaga ng P3,400 at ang buy bust money na ginamit sa operasyon.
Samantala, isa pang high-value target na mag-asawa ang naaresto ng PDEA at nakuha ang P544,000 halaga ng shabu sa Albay.
Alas-5:45 ng hapon ay naaresto sina Mestico Boral at Vanessa Boral, ng mga tauhan ng PDEA Regional Office V (PDEA RO V) sa ilalim ni Director Christian O. Frivaldo, National Bureau of Investigation (NBI) at ng lokal na pulisya sa Purok 2, Sto. Cristo, Tabaco City, Albay. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.