GOOD day, mga kapasada!
Lubhang ikinatuwa ng mga drayber ang naging pahayag kamakailan ng Land Transportation Office (LTO) na simula sa Oktubre 2021 ay makapagre-renew na ang mga karapat-dapat na pagkalooban ng 10 taong validity ng kanilang driver’s license.
Ngunit binigyang-linaw ni LTO Chief Edgar Galanve na hindi naman lahat ng drayber ay entitled sa pribilehiyong ito.
“Hindi lahat ng drivers na gustong mag-renew ng kanilang driver’s matapos itong mapaso ay makakapagtatamo ng ganitong kaluwagan kung mayroon siyang demerit point sa record ng LTO” sabi ni Galvante.
Ang mga drayber na may malinis na record at walang violation sa batas ng trapiko simula noong Hunyo 2019 ang magkakaroon lamang ng pagkakataong ma-enjoy ang pagpapalawig ng validity ng kanilang driver’s license hanggang sa 10 taon.
Idinagdag pa ni LTO Chief Galvante na kung may maganap na paglabag hanggang limang taon na lang ang validity ng naturang lisensiya.
DEMERIT SYSTEM IPINATUPAD NG LTO NOONG 2010
Ang demerit system ay sinimulang ipatupad ng LTO noong 2019 bilang bahagi ng pagpapatupad ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 10930.
Ang naturang batas ay nilagdaan niPangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2017 kung saan nagbibigay lawak ito sa itatagal ng lisensiya sa pagmamaneho.
Nakatadhana sa naturang sistema na ang pagtatala ng mga paglabag ay uuriin ayon sa gravity (bigat) ng infraction mula sa light (1 demerit point), less grave (3 demerit points); at grave (5 demerit points).
Gayundin, nakasaad sa IRR na kabilang sa grave violations ang paggamit ng sasakyan sa krimeno pagmamaneho ng lasing o nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot, pagpapatakbo o paggamit ng kolorum na sasakyan, at ang paulit-ulit na paglabag sa batas trapiko.
Samantala, tiniyak ng LTO na ang 10-year license validity ay maaaring makuha ng isang driver applicant na walang violation sa loob ng maikling panahon.
Umaasa naman si Galvante na makatutulong ito upang mabawasanang mga pasaway na drayber sa pagbiyahe sa mga pangunahin at subsidiary road pati na rin ang mga aksidente.
KONKRETONG BARRIER SA EDSA PINALITAN NG BOLLARD
Sinimulan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-demolish ng mga konkretong barrier sa kahabaan ng Edsa noong Agosto 23, 2020.
Layunin ng nasabing demolisyon na palitan ito ng bagong anyo ng barrier tulad ng steel bollards.
Naging paksa ng usap-usapan ang maaanghang na dahilan ng pagpapalit nito mula sa makakating dila na ito umano ay another form of pagkakakitaan system bagama’t wala namang tinukoy kung sino ang mga pinatutungkulan.
Ngunit ang ultimate goal ng MMDA sa pagpapalit ng konkretong barrier na karaniwang makikita sa Edsa ay to separate the EDSA busway lane mula sa iba pang lanes dahil naging mitsa ito ng maraming vehicular accidents sa mga nakaraang araw.
Ito ang tanging dahilan, ayon sa MMDA, kung bakit nitong nakaraang ilang linggo ay sinimulan ng mga tauhan ng MMDA ang paglalagay ng steel bollards sa Edsa malapit sa Shaw Boulevard sa lungsod ng Mandaluyong gaya ng napabroadkas sa Dobol B News TV.
Ayon kay MMDA Traffic chief Bong Nebrija, ang paglalagay ng bollards sa kahabaan ng Edsa ay bahagi ng road diet for Edsa to maximize the space allotted for buses, private vehicles at mga bisikleta.
Humigit kumulang sa 6,000 na piraso ng bollards ang nakatakdang iposte bilang barrier sa kahabaan ng Edsa, kasama na ang paglalagay rin nito sa mga underpass at overpass na nakatayo sa pook.
May paniniwala ang MMDA na ang pagpapalit ng bollard sa dating konkretong hadlang ay makababawas nang malaki sa bilang ng mga traffic accident sa pook dahil higit na visible ang mga ito kaysa naunang lane separators.
Magugunita na nitong nakaraang mgabuwan, inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na bumili sila ng 36,000 concrete barriers to put up a dedicated lane for buses sa kahabaan ng Edsa sa halagangPhp4,300 bawat pirso.
Ngunit sa kabila na ginugulan ito nang malaki ng pamahalaan ay napilitan itong palitanng bagong anyo ng separator upang maiwasan ang maraming traffic accident gaya ng pagbangga ng mga sasakyan sa kalaliman ng gabi kung saan inaantok ang mga driver o kaya ay mali ang kalkulasyon.
Ang kasaysayan ng konkretong barrier sa Edsa ay itinayo simula noong
Hunyo ng DOTRr, ngunit nitong nakaraang Hulyo, ipinasiya ng MMDA na palitan ito ng steel bollard matapos na mabatid mula sa pagre-review that has gone viral online ng mga pagkabangga ng mga bus sa lane dividers.
Ipinahayag naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia na ang replacement ng naturang separator barrier sa Edsa ay sponsored by the private sector.
“Iyan ang kasaysayan ng pagpapalit ng steel bollard sa dating concrete barrier sa Edsa upang mapawi ang pag-aalinlangan ng mga taong taliwas ang paniniwala sa katotohanan.
Ang pagpapalit ng steel bollards sa concrete barrier ay ikinasiya naman ng iba’t ibang transportation organization sa paniniwala na ito ang kalutasan sa pagpapababa ng bahagdan ng aksidentengnagaganap sa kahabaan ng EDSA.
Comments are closed.