JOBLESS NA PINOY KUMAUNTI

PSA

MAKATUTULONG ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho, gayundin ang malaking pumapasok na foreign remittances sa local consumer spending ngayong taon hanggang sa 2019, ayon sa isang Fitch Group unit.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang unemployment rate ng bansa ay bumaba sa 5.5 percent noong June 2018 mula sa 6.6 percent na naitala noong March 2017.

Sa industry trend analysis on consumer and retail ng Fitch Solutions, ang paggasta ng Filipino consumers sa pagitan ng 2018 at 2019 ay nananatiling positibo sa kabila ng bumibilis na inflation rate dahil sa mas mataas na excise taxes, pagsipa ng ­presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado, at sustained high credit growth.

“Our favorable outlook for the Philippine consumer is further underpinned by an improving labor market,” pahayag ng Fitch Solutions.

Binanggit ng Fitch Solutions na ang wage growth ay susuporta rin sa consumer spending sa domestic market kung saan nakatakdang ianunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang minimum wage hikes sa ilan pang rehiyon.

Subalit, sinabi ng think tank na ang best consumer prospects ay mananatiling nakatuon sa urban retail areas tulad ng Manila, Quezon City, at Davao.

Ayon pa sa Fitch Solutions, ang pagbuhos ng remittances mula sa  overseas Filipinos ay patuloy na susuporta sa consumers’ purchasing power sa 2018 at 2019.

Dagdag pa nito, ang paglakas ng US dollar laban sa Philippine peso ay magpapalaki sa remittances inflows at spending.

“With over 2.5 million Filipinos living and working in the US, Philippine households will continue to receive a large share of remittances in US dollar and therefore depend on the strength of the US dollar,” anang Fitch Solutions.

“Philippine households receiving remittances denominated in US dollar will see purchasing power rise with the US dollar appreciating against Philippine peso, buoying essential spending categories such as food and ­clothing,” dagdag pa nito.

 

 

Comments are closed.