JOBLESS NABAWASAN SA SECOND QUARTER

JOBLESS

BUMABA ang bilang ng mga Filipinong walang trabaho sa second quarter ng taon, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Isinagawa ang survey mula Hunyo 27 hanggang Hunyo 30 sa may 1,200 respondents.

Ayon sa SWS, bu­maba ang joblessness rate sa 19.7 percent noong ­Hunyo mula sa 23.9 percent noong Marso.

Batay sa survey, nasa 8.6 milyon ang walang trabaho noong Hunyo kum­para sa 10.9 milyon noong Marso ng kasalukuyang taon, na nagtala ng 2.3 mil­yong pagbaba.

Ang joblessness rate ay binubuo ng 9.5 porsiyento o 4.2 milyon na boluntaryong umalis sa kanilang trabaho, 6.8 porsiyento o 3 milyon ang nawalan ng trabaho at 3.4 porsiyento o 1.5 milyon naman ang naghahanap ng bagong trabaho.

Ikinatuwa naman ng Palasyo ang pagbaba ng bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.

“Ito po ay patunay na bagaman may problema sa inflation, nanati­ling malakas po ang ­ating ekonomiya,” wika ni presidential spokesperson Harry  Roque sa press briefing sa Malakanyang.

Aniya, ang SWS survey ay umaayon sa datos na ipinalabas ng Philippine Statistics Autho­rity (PSA), na nakasaad na tumaas ang July 2018 employment rate sa 94.6 percent.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), ang datos ng PSA ang pinakamataas sa nakalipas na 10 taon sa naunang July rounds.

Comments are closed.