MISTULANG itinutulak ng mga kapitalista ang mga Filipinong walang trabaho na mag-apply na lamang sa pamahalaan kung saan mas marami umanong benepisyo kaysa sa mga pribadong kompanya.
Sa isang panayam sa telebisyon, inamin ng Employers Confederation of the Philippines na lubos silang nahihirapang tugunan ang mga panawagan at kautusan ng gobyerno sa kanila upang magbigay ng mas marami at higit na mataas na benepisyo sa kanilang mga empleyado kasabay ng pagsisiwalat na karamihan sa mga kapitalista sa bansa ay walang kakayahang tupdin ang mga ito dahil na rin sa kakulangan sa pananalapi.
“Small businesses cannot afford to give that much,” ani ECOP acting president Sergio Ortiz-Luis sa kanyang tugon nang tanungin kung kaya ng mga negosyanteng ibigay ang kahalintulad na benepisyo sa kanilang mga manggagawa.
Nauna rito, ipinahayag ng Department of Budget and Management (DBM) ang kahandaan ng pamahalaan na magkaloob ng panibagong bonus mula sa mga nalikom na savings ng iba’t ibang sangay at ahensiya ng pamahalaan.
Hindi bababa sa P25,000 ang nakatakdang tanggapin ng bawat government employee bukod pa sa year-end bonus at P5,000 cash gift.
Dagdag pa ni Ortiz, 99.6% ng mga negosyo sa bansa ay nabibilang sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs), kung saan 90% ay may kat-egoryang small.
Ang MSME ay nagbibigay rin umano ng hanapbuhay sa 62% ng mga manggagawa sa buong kapuluan. FERNAN J. ANGELES
Comments are closed.