ISANG lalaki na lumabag sa ordinansa ng Las Piñas City sa hindi pagsusuot ng face mask at paglabag sa curfew hour ang dinakip ng Las Piñas City police makaraang makunan ng shabu na nagkakahalaga ng P176,600 kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Las Piñas police chief Col. Segundo Lagundi ang suspek na si Gerry Loyde,40 anyos at nakatira sa Roxas St., Barangay CAA, Las Piñas City.
Batay sa ulat, namataan ang suspek na naglalakad na walang suot na face mask at lagpas na sa itinakdang curfew hour sa Santol St., Barangay CAA ng nasabing lugar dakong alas-10:00 ng gabi at agad na sinita ng mga nagpapatrulyang pulis kung saan nakuhanan ng 2 sachet ng shabu na may timbang na 26 na gramo.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of drugs at paglabag sa city ordinance ng Las Piñas. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.