HANGZHOU – Target ni Eumir Marcial ang isang puwesto sa finals at ang outright berth sa Paris Olympics sa kanyang pag-akyat sa ruweda Miyerkoles ng gabi sa semifinals ng men’s boxing sa 19th Asian Games.
Makakasagupa ni Marcial, 27, si Ahmad Ghousoon ng Syria sa isa sa dalawang semifinal bouts sa 80kg na gaganapin sa Hangzhou gymnasium.
Ang panalo ng Pinoy ay magdadala sa kanya sa gold medal round, subalit ang mas mahalaga ay magbibigay sa kanya ng ticket sa Summer Games sa susunod na taon.
Ang boxing ay isa sa anim na sports na nagsisilbing qualifier sa Olympics.
Si Marcial ay nagwagi ng bronze sa Tokyo Games habang lumalaban bilang middleweight.
Sa pag-usad sa semis ay napantayan na ni Marcial ang kaparehong pagtatapos sa 2018 edition ng Asiad sa Palembang, Indonesia.
But this time he wanted more, including that coveted automatic spot in the Paris Olympiad.