NADAGDAGAN ng 1.6 milyon ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Enero ng kasalukuyang taon, ayon sa pinakahuling Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa isang virtual press conference, sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ang unemployment rate sa unang buwan ng 2021 ay nasa 8.7% o apat na milyong jobless adults na may edad 15 at pataas.
Ang January unemployment rate ang pinakamababang unemployment rate magmula noong Abril 2020, nang pumalo ito sa record-high na 17.3% sa kasagsagan ng lockdowns para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Mas mataas ito ng 1.6 milyon sa 2.4 milyong walang trabaho noong Enero 2020 at bahagyang mas mataas kumpara sa 3.8 milyon na naitala noong Oktubre 2020.
Gayunman, sa percentage, ang unemployment rate noong Enero ay kapareho sa Oktubre 2020 na 8.7%.
Tumaas naman ang bilang ng mga adult na masigasig na naghahanap ng trabaho sa 60.5% o 45.2 milyon noong Enero mula sa 58.7% o 43.6 milyon noong Oktubre 2020.
“While the unemployment rate remains unchanged at 8.7%, more opportunities from the easing of restrictions meant that more people are rejoining the labor force,” pahayag ng mga economic manager sa isang joint statement.
Ang mga economic manager ay ang mga kalihim ng Department of Finance, Department of Budget and Management, at Socio-economic Planning.
“Between October 2020 and January 2021, some 1.4 million jobs were restored as the labor force participation rate, or the proportion of the working age population that is either working or actively looking for work, increased from 58.7% to 60.5% over that three-month period,” sabi pa ng mga economic manager.
Samantala, nananatili sa 91.3% o katumbas ng 41.2 milyong Pinoy adults ang may trabaho nitong Enero. VERLIN RUIZ
Hello! I know this is kinda off topic but I was wondering
which blog platform are you using for this website? I’m getting fed up of WordPress
because I’ve had issues with hackers and I’m looking
at options for another platform. I would be awesome if you could
point me in the direction of a good platform.