PINANGUNAHAN ni Nikola Jokic ang dramatikong second-half fightback at nakumpleto ng Denver Nuggets ang 4-0 Western Conference championship sweep kontra Los Angeles Lakers upang umabante sa NBA Finals sa unang pagkakataon sa franchise history.
Tumapos si two-time NBA Most Valuable Player Jokic na may 30points makaraang burahin ng Nuggets ang 15-point half-time deficit upang sibakin si LeBron James at ang Lakers sa 113-111 panalo sa Crypto.comArena.
Tila mag-isang binuhat ni James ang Lakers para manatiling buhay ang season ng koponan makaraang umiskor ng 31 points sa first-half na nagbigay sa 17-time NBA champions ng 73-58 kalamangan sa half-time.
Subalit pinamunuan ni Jokic ang opensa ng Nuggets sa third quarter, kunamada ng 13 points at naoutscore ng Western Conference top seeds ang Lakers, 36-16, upang agawin ang kalamangan.
Isang driving layup ni Jokic sa dramatic fourth-quarter finale ang nagbigay sa Denver ng 113-111 kalamangan, may 51.7 segundo ang nalalabi.
May apat na segundo ang nalalabi, may huling pagkakataon si James na itabla ang talaan at ipuwersa ang overtime, subali nasupalpal ang kanyang tangkang driving floater ni Denver’s Aaron Gordon para selyuhan ng Nuggets ang panalo.
Makakaharap ng Denver — isa sa 11 koponan sa liga na hindi pa nagwawagi ng NBA championship — ang Miami Heat o Boston Celtics sa finals.
Maaaring kunin ng Miami, abante sa 3-0 kontra Boston ang nalalabing puwesto sa finals sa panalo sa home sa Martes.
Ang Nuggets ay papasok sa finals na puno ng kumpiyansa na mawawakasan nila ang halos kalahating siglong paghihintay para sa maiden NBA crown.
Tumapos ang 38-year-old na si James na may 40 points, 10 rebounds at 9 assists para sa Lakers sa heroic attempt na mapanatiling buhay ang series.
Subalit muling nabigo ang supporting cast ng Lakers na mag-step up noong kinakailangan ito, sa sunod-sunod na mintis na tira sa fourth quarter na nagbigay-daan para mapangalagaan ng Nuggets ang maliit na bentahe at kunin ang panalo.