P1.3-M SHABU NAKUMPISKA SA MAGDAMAG NA BUY BUST

shabu

QUEZON CITY – ISANG malaking tagumpay para sa mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkaka-bingwit nila ng mga droga na nagkakahalaga ng 1.3 milyon sa loob lamang ng buong magdamag sa Novaliches.

Sa ulat ng pulisya, namayagpag ang QCPD Novaliches Police Station 4 sa pamumuno ng hepe nito na si PSupt Rossel Cejas matapos maaresto ang pitong suspek kabilang ang isang menor de edad na bigtime sa pagtutulak ng droga at may kanya-kanyang nakabinbing kaso.

Kinilala ni QCPD District Director PCSupt Joselito T. Esquivel ang mga suspek na sina Rizal Rodriguez, 33-anyos at Amor Furagganan, 40-anyos, na dati na ring sumuko sa kasong pagdodroga at may nakabimbing kaso na Highway Robbery at Carnap-ping sa Malolos RTC.

Sa ulat ng pulisya, dakong 10:30 ng gabi ng matimbog sa buy bust sa Sangandaan ng nasabing lugar sina Rodriguez at Furag-ganan na nakuhaan ng 135 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 918,000 pesos samantalang 5 gramo na nagkakahala-ga ng 38,000 pesos ang nakuha kay Muhaimin Ibrahim, 20-­anyos at sa isang menor de edad dakong 2:15 ng umaga at 60 gramo naman na nagkakahalaga ng 408,000 pesos ang nakuha mula kina Mica Joy Dellosa, 19-anyos, Jay Ocampo, 42-anyos at Jocelyn Dalagan, 40-anyos na may nakabimbin ding kasong ­ilegal na droga sa Malolos Bulacan, sa hiwalay na operasyon dakong 5:00 ng umaga sa Brgy. Sauyo, Novaliches.  MT BRIONES

Comments are closed.