P1.3-M SHABU NASABAT SA ANTI-ILLEGAL DRUG OPS

Shabu

QUEZON CITY – NASABAT mula sa dala­wang suspek ang shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon ng mga tauhan ni Acting Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Colonel Ronnie S. Montejo ang dalawa sa drug pushers sa buy bust operation na iki-nasa sa Apartelle sa Barangay Commonwealth.

Kinilala ni Montejo ang suspek na sina Adolf San Jose, alyas Shane, 31, ng Brgy. Baesa; at Ma­verick James Rioveros, 20 anyos, ng Brgy. Payatas.

Ayon pa sa ulat ng Cubao Police Station 7 sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Giovanni Hycenth Caliao, ang nasabing operasyon ay ikinasa ng kanyang mga tauhan katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bandang alas- 4:00 ng hapon sa nasabing apartelle.

Nakuha mula sa mga ito ang dalawang ma­laking sachets at apat na maliliit na sachets ng  shabu na nagkakahala­ga ng P1,360,000, cellular phone at ang buy bust money.

Si San Jose ay dati ng inaresto sa kaparehong kaso noong 2016 ngunit nakalaya dahil sa plea bargaining. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.