CALOOCAN CITY – TINATAYANG nasa mahigit P1 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa dalawang hinihinalang drug pusher kabilang ang isang bebot na naaresto sa buy bust operation sa lungsod na ito.
Kinilala ni NPD Director Chief Supt. Rolando Anduyan ang mga naarestong suspek na sina Marvin Salinas, 34, listed/pusher, ng 23 N. Domingo San Juan City at Carmela Francisco, 24 ng 26 K Oliveros Drive Balintawak, Quezon City.
Ayon sa ulat, alas-5 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang buy bust operation kontra sa mga suspek sa EDSA Bagong Barrio, Caloocan City.
Nagawang makapagtransaksyon ni PO1 Pascual na nagpanggap na buyer ng isang plastic sachet ng shabu sa mga suspek kapa-lit ng P2000 marked money at nang magkaabutan na, agad sumalakay ang mga nakaantabay na operatiba at inaresto si Salinas at Francisco.
Nakumpiska kay Salinas ang isang ziplock sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 150 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P1,020,000 market value ang halaga. VICK TANES
Comments are closed.