P1 MILYONG SHABU NASABAT SA 4 NA TULAK

shabu

CALOOCAN – ARES­TADO ang apat na hinihinalang sangkot sa droga kabilang ang isang service crew matapos makumpiskahan ng mahigit sa P1 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa lungsod na ito.

Ayon kay Northern Police Distirct (NPD) Director PBGen. Ronaldo Ylagan, bandang 4:50 ng madaling araw nang ikasa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Giovanni Hycenth Caliao sa  J.P Rizal, Brgy. 35 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Marco Payumo at Angel Tanseco, 19.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang sa 100 gramo ng shabu na tinatayang nasa P680,000 street value ang halaga, isang P1,000 marked money kabilang ang 11 piraso ng 1,000 boodle money na ginamit bilang buy bust money, P1,000 cash, cellphone at ilang drug paraphernalia.

Bandang ala-1:30 naman ng madaling araw nang unang masunggaban ng mga operatiba ng DDEU si alyas John.

Ayon kay DDEU investigator PCpl Je­zell Delos Santos, na­rekober sa suspek ang humigi’t kumulang sa 50 gramo ng shabu na nasa P340,000 street value, P1,000 marked money na kabilang sa 11 piraso ng 1,000 boodle money na ginamit bilang buy bust money at isang cellphone. VICK TANES

Comments are closed.