MALABON CITY – NASAMSAM ng awtoridad ang mahigit sa P10 milyon halaga ng shabu sa apat na umano’y big-time drug pushers kabilang ang isang estudyante sa buy bust operation ng mga pulis kahapon ng madaling araw sa Malabon City.
Sa report ni Col. Tamayao kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ronaldo Ylagan, alas-4:00 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan ang buy-bust operation kontra sa mga suspek na sakay ng isang Nissan X-Trail (RHH 597) sa Aquino Rd, Brgy. Tugatog, a koordinasyon sa PDEA matapos mahigit isang buwan surveillance operation.
Isang undercover pulis na nagpanggap na buyer ang nakipagtransaksiyon at bumili ng shabu sa isa sa nadakip kapalit ng P20,000 marked money at nang magkaabutan na ay agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka sinunggaban ang mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang 1 chinese tea pack, 2 medium plastic sachets at 11 small plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang sa 1,485.45 gramo ng shabu na nasa P10,101,060 corresponding standard drug price at buy bust money.EVELYN GARCIA