P102K HALAGA NG SHABU NASAMSAM NG QCPD

shabu

NASAKOTE  ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng bagong talagang Director  Police Colonel Ronnie S. Montejo  ang  anim na drug suspects sa bisa ng search warrant at nakumpiska sa mga ito ang shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Kinilala ni PCol Montejo, ang mga suspek na sina Sander Maulapat alyas Benok, 21-anyos;  Lester Pintac, 23-anyos; Terryboy Afable, 22-anyos; Jesus Tupas, 42-anyos na kapwa mula sa Brgy. Bagong Pag-asa; habang sina  Felix Talisic, 21-anyos  at Raymond Sequito, 28-anyos ay residente naman ng NAPOCOR.

Nakuha mula sa mga suspek ang pitong pakete ng shabu na may halagang Php102, 000, isang  aluminum foil strip, isang disposable lighter, isang digital weighing scale at coin purse.

Kasama sa naghain ng warrant ang mga tauhan ng Masambong Police Station (PS 2) na pinamumunuan ni  PLTCOL Rodrigo Soriano at mga tauhan ng PDEA-NCRO na kung saan naaresto ang mga suspek  dakong alas- 6:20 ng gabi noong Sabado sa informal settler’s compound, Agham Road, Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek habang ang mga nakumpiska na droga ay ipinadala na sa Crime Laboratory Office. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.