P141 MILLION SHABU NA-INTERCEPT SA NAIA

shabu

PARAÑAQUE CITY – NA-INTERCEPT kahapon ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 20.8 kilos ng methamphetamine na kilala sa tawag na shabu.

Ang illegal drugs na ito ay nasabat sa loob ng cargo company at idenekla­rang mga speaker kung saan umaabot sa P141 milyon ang street value nito.

Habang isinusulat ang balitang ito ay  walang binabanggit ang BOC sa pagkaka­kilanlan o may-ari ng kargamento.

Agad naman na inilipat sa kamay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang natu­rang shabu para sa kaukulang isasagawang imbestigasyon.

Ayon sa pahayag ng BOC,  ang  importation o pagpasok ng droga sa bansa ay labag sa batas, at ang may-ari ay mayroon pananagutan sa ilalim ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) in relation to RA 10863 (Customs Modernization Tariff Act). FROILAN MORALLOS

Comments are closed.