ARESTADO ng mga tauhan ng QCPD ang tatlo sa mga suspek at nasamsam ang P2,380,000 halaga ng shabu sa isang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Los Baños Police noong Araw ng mga Puso sa Los Baños, Laguna.
Kinilala ni QCPD Director PCSupt. Joselito Esquivel, Jr., ang mga naarestong suspek na sina Shoib Sampal, alyas Tikboy, 35, at ang live-in partner nitong si Rossette Dimas, alyas Seth, 39, negosyante at residente ng Brgy. San Antonio, Los Baños, Laguna, at Violeta Espina, 31, ng Tondo, Manila.
Sa report ni QCPD Director PCSupt. Esquivel kina PNP Chief Police Director General Oscar D. Albayalde at NCRPO director Guillermo Lorenzo Eleazar, ang nasamsam na P2.3 milyong halaga ng shabu mula sa joint operation ng QCPD Novaliches Police Station (PS 4) at Los Baños Police Station, Los Baños, Laguna.
Ayon kay PS 4 Commander PSupt. Rosell Cejas, ang nasabing buy bust operation ay offshoot sa nakalipas na drug operation sa Brgy. Bagbag, Novaliches noong Pebrero 13 na nagresulta sa pagkaka aresto sa apat na suspek at pagkakumpiska sa 50 gramo ng shabu na may street value na P300,000 halaga ng shabu.
Ang mga naarestong suspek ang nagturo sa kanilang source na si alyas Tikboy at live-in partner nitong si alyas Seth na dating nanirahan sa Brgy. Bagong Silang Caloocan City bago sila lumipat ng Los Baños, Laguna.
Sa report ng QCPD, nabatid na bandang alas-9:30 ng gabi noong Pebrero 14 nang ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng QCPD – PS 4 at Los Baños Police sa pamumuno ni PSupt. Lowie Dionglay sa L1 Unit 2 B5 Villa Armanda residences, San Antonio, Los Baños, Laguna na tumayong buyer sa halagang P191,000 shabu mula sa mga suspek na naging sanhi ng pagkakaaresto sa mag-live-in.
Nakuha mula sa mga suspek ang 35 gramo ng shabu, limang cellphone, isang dark gray na Toyota Fortuner at ang marked money. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.