PASIG CITY – KALABOSO ang magkarelasyon sa ikinasang drug buy bust operations ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station-7 kahapon ng alas-5:02 ng madaling araw sa Kaginhawahan St. cor Kaagapay St., Karangalan Village, Barangay Manggahan.
Sinasabing ang QCPD ang nag-operate makaraang isumbong ang dalawa ng isang nahuling suspek sa Cubao, Quezon City.
Walang kawala ang dalawa lalo na’t narekober sa kanilang posesyon ang nasa 500 grams na hinihinalaang shabu na may market value na P3,400,000.
Kinilala ni QCPD Director PBGen. Joselito Esquivel ang dalawang suspeks na sina Mark Kim Cudia, 28-anyos at isang alyas Pat, 18-anyos.
Sinabi ni Esquivel na mga operating elements ng PS-7 ang nagsagawa ng buy bust operation matapos ang ilang buwang monitoring laban sa mga suspek.
Nakuha mula sa mga suspek ang anim na large heat sealed transparent sachet na naglalaman ng umano’y shabu; dalawang piraso ng medium heat sealed transparent sachet na may shabu; isang medium transparent ziplock naglalaman ng shabu; limang piraso ng P1,000 Bill na ginamit bilang buy bust money.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng QCPD PS-7 ang dalawang drug suspek para sa kaukulang pagsampa ng kaso. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.