NAARESTO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – NCR- Quezon City District Office (QCDO) ang isa sa target na drug peddler sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City noong Sabado, ala-1 ng hapon.
Kinilala ni Regional Director of PDEA RONCR, Director Joel B Plaza ang suspek na menor na si alyas Omar, 19-anyos ng Abris Street, Brgy. Commonwealth.
Naaresto ang suspek sa Sto. Nino Street, Barangay Holy Spirit.
Habang nakumpiska naman ang may apat na piraso ng plastic bag na umano’y naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na halos 500 gramo at nagkakahalagang P3,400,000.
Nabatid nakuha rin mula sa suspek ang ginamit na buy bust money at isang yunit ng cellphone. PAULA ANTOLIN