NASAMSAM ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa limang drug personalities na inaresto sa magkakahiawalay na buy bust operations sa National Capital Region (NCR) ang shabu na nasa P3.74 milyon ang halaga.
Ayon kay PDEA Director General Aaron N. Aquino ang mga suspek ay nakilalang sina Ali Salim; alyas Nash; Alsamer Yudop, alyas Samer; Abdul, alyas Aisa; Zainab Pamansag, alyas Nano; at Joel Undong, alyas Jo.
Bandang alas-2:30 ng hapon noong Setyembre 7, 2019 nang magsagawa ang mga tauhan ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa ilalim ni Atty. George Paul L. Alcovindas, na siyang Officer-in-Charge sa isinagawang buy bust operation sa lugar na nasasakupan ng FTI Terminal Arca South, Western Bicutan, Taguig City at maaresto ang suspek na si Abdul, Pamansag at Undong kung saan nakuha sa mga ito ang shabu na may bigat na 500 na gramo na tina-tayang may estimated value na P3,400,000 at buy bust money.
Si Salim at Yusop ay naaresto sa buy bust operation bandang alas 4:10 ng hapon noong Setyembre 8, 2019 sa harapan ng Veris International Distribution, Incorporated sa Kanlaon Street, Barangay Teresita, Quezon City. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.