TATLONG milyong piso ang halaga ng umano’y shabu na nasabat ng pinagsanib ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy bust operation sa Makati City kahapon ng umaga.
Arestado sa operasyon ang isang 61-anyos na babae na kilalang drug pusher sa Barangay Guadalupe Nuevo.
Tinukoy naman ng PDEA na isang Taiwanese na umano ang pinagkukuhanan ng droga ng suspek.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA ang naarestong suspek.
Nasa kalahating kilo ng droga ang nasabat sa suspek. ROSE LARA
Comments are closed.