TAGUIG CITY – NASA P.3 million halaga ng shabu ang na-recover mula sa isang drug pusher na kabilang sa “high value target (HVT) at Narco list” matapos na ang pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ay maghain ng seach warrant dito kahapon ng madaling araw sa Maynila.
Kinilala ni NCRPO Director, Police Major General Guillermo Eleazar ang suspect na si Benedict Carpio alyas “Jon-Jon”. Ang naturang suspek ay anak umano ng kapitan ng isang barangay sa Tondo, Manila na kabilang sa listahan ng “HVT at Narco list”.
Ayon sa NCRPO, dakong 4:00 kahapon ng madaling araw ng kanilang madakip ang suspek sa #2223-D, Molave St., Zone 21, Brgy. 228, Tondo, Manila sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Carolina I. Sison, ng Manila Regional Trial Court (RTC), Branch 18.
Na-recover ng mga pulis mula sa suspek ang 4 plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang sa 50 gramo at may street value na P340,000, isang shotgun rifle, 48 pirasong bala ng caliber 40 at drug paraphernalias.
Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong ngayon sa NCRPO detention facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11 ng Republic Act (RA) 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) in relation to Omnibus Election Code.
MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.