P4-M SHABU NASAMSAM SA BEBOT COURIER

GIRL ARRESTED

MAYNILA – TINATAYANG aabot sa mahigit 4 na milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isang babaeng courier sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Operation kagabi sa Sampaloc.

Kinilala ang suspek na si Amelita Sabino na courier umano ng pulis na si P02 Jolly Lapuz Aliangan na da­ting nakatalaga sa RAID NCRPO na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) noong May 26, 2016 dahil sa kaso pa rin ng droga.

Nasamsam mula kay Sabino ang 650 gramo ng shabu na umaabot sa halagang P4,420,000 mil­yon ang street value.

Si Sabino ay ina­resto ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Manila Police District, National Capital Regional Police Office (NCRPO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang buy bust operation sa loob ng compound sa 907 Palawan St., corner Visayan St., Sampaloc, Manila.

Nagpanggap uma­nong undercover agent ang isang false buyer at bumili ng 7 plastic packs ng shabu sa suspek.

Nang magkaabutan at maibigay ang 8 bundle ng marked money ay saka ibinigay ang hudyat para dakpin ang suspek .

Napag-alaman na ang suspek ay drug pusher at nagsisilbing courier ni Aliangan na ngayon ay nakakulong sa Manila City Jail sa kasong RA 9165 nang mahulihan ng cash na 6.9 milyon, kilo-kilong shabu at mga sasakyan.

Bagama’t nakakulong na si Aliangan ay sangkot pa rin siya sa drug trafficking activities na nag-o-operate sa Metro Manila at CALABARZON areas. PAUL ROLDAN

Comments are closed.