P40.8-M SHABU ITINAGO SA DRAINAGE

SHABU IN DRAINAGE

QUEZON CITY – TINATAYANG aabot sa P40  milyon ang anim na kilo ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng ­Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. sa hinuhukay na kanal sa Brgy. Fairview.

Ayon kay Esquivel, bandang alas-10:30 ng umaga ay natagpuan ang nasa anim na kilong shabu.

Ang pagkatagpo ay iniulat ni Brgy. Captain Manuel Chua ng North Fairview sa  PS 5 sa ilalim ni Supt. Benjamin Gabriel Jr.

Ayon pa sa ulat, dalawang  lalaki ang naghuhukay sa harapan ng gate ng isang shop na pag-aari ni Danilo Sibug sa Geneva Garden Subd., sa Commonwealth Ave. corner Flourdelis St., Brgy. North Fairview, nang makita ang naturang droga.

Si Sibug ang siyang nagpaalam sa brgy. chairman sa natagpuan at siyang inulat naman sa mga pulis.

Dahil dito, patuloy na pinaiimbestigahan ni Esquivel ang PS 5 commander na patuloy magsagawa ng imbestigasyon at mangalap ng ebidensiya sinuman ang nagmamay-ari o naglibing ng ganoong kalaking ilegal na droga sa lugar. PAULA ANTOLIN

 

Comments are closed.