P400K SHABU NASAMSAM SA 3 KATAO

QCPD

QUEZON CITY – NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Chief Supt. Joselito  Esquivel Jr.  ang tatlong drug suspects sa buy bust operation at nakuhanan pa ang mga ito ng shabu na nagkakahalaga ng P400,000.

Kinilala ni Esquivel ang mga suspek ng sina Joey Fernando, alyas Dunking, 30, Merinisa Bote, alyas Ichay, 26, at  Joven Dimatangal, 31,  mga residente ng Brgy. Tatalon na naaresto ng mga tauhan ng anti-drug operatives mula sa Kamuning Police Station (PS 10) sa ilalim ng pamumuno ni Supt. Louise Benjie Tremor.

Ayon pa sa ulat, matapos makapagbigay ng isang impormante ng impormasyon tungkol sa mga suspek dahil sa patuloy na illegal drug activity ng mga suspek na sina  alyas Dunking at alyas Christian sa loob ng isang hotel sa Roces Ave. cor. Panay Ave., Brgy. Paligsahan, ay agad nagsagawa ang mga awtoridad ng isang buy bust operation na naging dahilan sa pagkakaaresto  sa mga suspek.

Matapos iabot ang naturang pera at masiguradong tinanggap ng mga suspek ang pera ay agad nagbigay ng signal ang awtoridad upang arestuhin ang mga suspek.    PAULA ANTOLIN

Comments are closed.