P50K PABUYA KADA PAKETE NG SHABU NA ISUSURENDER

NAGTAKDA nang deadline ang Pamahalaang Panglalawigan ng Ilocos Sur sa mga magsasakang nakakita at nakakuha ng mga pake paketeng shabu sa dagat para i-turn over ang mga ito sa mga awtoridad.

Inihayag ng Provincial Council ng Ilocos Sur na binibigyan ang mga mangingisda ng hanggang Hulyo 5 para isuko ang mga nakuhang shabu na palutang lutang sa dagat.

Itinakda ng pamahalaang panlalawigan ang Hulyo 5 bilang deadline para sa mga mangingisda na i-turnover ang mga narekober na shabu at makatanggap ng P50,000 incentive.

Nabatid na bukod sa P 50,000 pabuya ay magbibigay din ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng P5,000 incentive sa bawat pakete ng shabu na narekober.

Sa talaan , umakyat na sa 87 pakete ng droga na tinatayang tumitimbang ng isang kilo ang bawat isa ang nakuha ng mga mangingisda at ibinigay sa pangangalaga ng mga awtoridad.

Ito ay matapos na makakuha ng panibagong apat pang pakete ng shabu na natagpuang palutang-lutang ng mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS) sa lalawigang ito noong Linggo at Lunes.

Ang mga ito ay may katulad na mga marka sa 83 pack na natuklasan noong nakaraang linggo.

Narekober na noong Hulyo 2 ang 87 pakete na nagkakahalaga ng P591 milyon.

Kaugnay nito, nagtatag ang Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO) ng Special Investigation Task Group para imbestigahan ang recoveries na ito.

Pangungunahan ni Col. Darnell Dulnuan, ISPPO police director ang task force kasama ang PDEA, Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Police, Philippine Drug Enforcement Group, at Forensic Group bilang mga miyembro.
VERLIN RUIZ