QUEZON CITY – NAPASAKAMAY ng Quezon City Police District ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon matapos maaresto ang apat katao sa buy bust operation noong Miyerkoles ng gabi na humantong sa Brgy. Cen-tral, Signal Village, Taguig City.
Kinilala ang mga suspek na sina Abel Dagadas y Lampak, 34-anyos, may asawa; Larylyn Azada y Azada, 29-anyos, kapuwa nakatira sa nabanggit na lugar, Usay Uting y Salisip, 49 anyos, tubong Kabuntalan North Cotabato; at Jaqueline Dapitan y Asada, 52-anyos, balo, at tubong Brgy. Pantalan, Batangas City.
Ikinasa ng mga operatiba ng QCPD Cubao Police Station 7 ang naturang operasyon dakong 8:25 ng gabi matapos makipag-ugnayan sa Taguig CPS at Southern Police District nang magpositibo ang kanilang pakikipagtransaksiyon sa isang alyas Hiver.
Nakuha sa mga suspek ang 1 kilong hinihinalang shabu, timbangan, drug paraphernalias, 10,000 pesos, at bundle ng boodle money.
Dinala ang mga arestado sa QCPD Cubao Station na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa ilegal na droga. MT BRIONES/PAULA ANTOLIN
Comments are closed.