P6.8-M SHABU NASAMSAM SA MALATE

SHABU

MAYNILA – TINATAYANG nasa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang narekober sa buy bust operation ng PNP-Drug En-forcement Group (PDEG) ng Camp Crame sa isang hotel sa Malate.

Arestado si Ralph Dumagis, 25, matapos na kaniyang i-deliver ang nasa tatlong kilo ng hinihinalang shabu sa poseur-buyer na asset ng PNP-DEG.

Naganap ang bentahan sa loob mismo ng nasabing hotel sa Malate.

Ayon sa PNP-DEG, hindi si Dumagis ang kanilang katransaksiyon bagaman siya ang nagsabi ng lugar kung saan iaabot ang hinihinalang droga.

Nagpositibo ang bentahan at kanila nang maaresto si Dumagis ngunit isang alyas Rex ang sinasabi ng pulisya na kanilang katransaksiyon.

Modus umano ng  mga big time drug pusher ang paggamit ng courier upang matiyak na hindi sila mahuhuli sa mga buy bust ­operation ayon sa mga pulis.

Ayon kay Dumagis, hindi niya alam kung ano ang nilalaman ng bag na umano’y ipinadala lamang sa kanya kapalit ang P15,000.  MARY ROSE AGAPITO – OJT

Comments are closed.