PARAÑAQUE CITY – NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang out-bound parcels na naglalaman ng 71.6 grams ng shabu at 97 tablets ng valium, na tinatayag aabot sa P660,000 ang street value.
Ayon kay district collector Mimel Talusan, ang anim na magkakaibang packages ay pag-aari o naka-consigne sa iba’t ibang tao at nadiskubre ito pagdaan sa X-ray at physical examination.
Ang limang packages ay naglalaman ng white crystalline substances, na pinaniniwalang shabu, at ang isang package ng valium tablets, ay itinago sa loob ng libro, speakers at ang iba sa dokumento.
Ang isang parcel (1) na tumitimbang ng 10.8 gramo ay nagkakahalaga ng 73,000, habang ang 14.4 at 36.1 gramo ng shabu na may street value ng P97,920, at P245,480 ay dadalhin sa bansang Israel.
Samantalang, ang iba pang parcels na 3.3 grams ng shabu ay aabot sa P22,440, itinago naman ito sa dalawang pirasong Bench brief, at ang 97 tablets ng valium na nagkakahalaga ng P171,496 ay ipadadala sa United States of America.
Habang ang isa pang parcel na 7 gramo ng shabu na itinago sa loob ng mini speaker na nagkakahalaga ng P47,600 ay dadalhin sa Papua New Guinea. FROI MORALLOS
Comments are closed.