P90-M SHABU NASABAT SA NAIA

shabu

PASAY CITY – INILIPAT ng Bureau of Customs (BOC) sa panga­ngalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 13.1 kilogram ng shabu na nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Enero.

Nasabat ang tinata­yang aabot sa P90 mil­yong halaga ng droga noong nakalipas na ­Enero 23,   sa ini­syatibo ng Customs examiner sa NAIA, at pakikipagtulungan ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF), BOC-Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), at BOC-Xray ­Inspection Project (XIP).

Nadiskubre sa isinagawang 100 percent examination ng mga examiners sa loob ng 26 packages na naglalaman ng shabu kung saan nakapaloob ito sa tatlong (3) mufflers.

Ayon sa impormasyon dumating itong nasabing kargarmento sa nabanggit na petsa  sa DHL warehouse, at ideneklarang spare parts na nagkakahalaga ng 500 US dollar na mayroong airway bill n0, 4223900144.

Nakatakda namang kasuhan ng kriminal ng BOC ang may-ari nito dahil sa paglabag ng Dangerous Drug Act. FROILAN MORALLOS