TINATAYANG maitatala ang December inflation sa 2.9 hanggang 3.7 percent, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sinabi ng BSP na ang mas mataas na presyo ng domestic petroleum products at mga pangunahing produktong pang-agrikultura ang nag-udyok sa upward price pressures sa naturang buwan.
“These could be partly offset by the downward adjustment in electricity rates in Meralco-serviced areas, along with slightly lower rice prices and the continued appreciation of the peso,” ayon sa BSP.
Bumilis ang inflation sa 3.3 percent noong Nobyembre sa likod ng mas mataas na presyo ng pagkain dahil sa mga bagyo,
Mas mabilis ito sa 2.5 percent noong Oktubre at sa 1.3 percent sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Comments are closed.