NAGING sandigan ng Golden State Warriors si DeMarcus Cousins upang maitakas ang 106-104 panalo laban sa host Houston Rockets noong Miyerkoles sa Toyota Center.
Nagposte si Cousins ng season-highs 27 points at 7 assists upang tulungan ang Warriors na mapigilan ang four-game, season-series sweep ng Rockets.
Naglaro ang Golden State na wala si All-Star forward Kevin Durant (ankle), subalit nakontrol pa rin ang laro sa malaking bahagi ng first half bago tuluyang nadominahan ang sagupaan sa serye ng offensive rebounds at second-chance baskets sa third quarter.
Pinutol ng Warriors, 4-6 sa naunang 10 games, ang season-best, nine-game winning streak ng Rockets.
Nagtuwang sina Stephen Curry at Klay Thompson para sa 54 points sa 20-of-43 shooting, kung saan kumamada si Thompson ng 30 at limang 3-pointers.
THUNDER 108, NETS 96
Nagtuwang sina Paul George at Russell Westbrook para sa 56 points nang igupo ng Oklahoma City Thunder ang bumibisitang Brooklyn Nets noong Miyerkoles ng gabi.
Naghabol ang Oklahoma City ng hanggang 17 puntos sa kaagahan ng second quarter at 10 sa kaagahan ng second half. Ito ang ikalawang pagkakataon ngayong season na nanggaling ang Thunder sa double-digit deficit sa second half upang gapiin ang Bets at ika-14 na laro ngayong season na nanalo ang Oklahoma makaraang maghabol ng hindi bababa sa 10 puntos.
Tumapos si Westbrook na may 31 points, 12 rebounds at 11 assists para sa kanyang unang triple-double magmula noong Feb. 28.
Nanguna si Spencer Dinwiddie para sa Nets na may 25 points.
WIZARDS 100, MAGIC 90
Umiskor si Bradley Beal ng 23 points at nagdagdag si Thomas Bryant ng 21 points at 10 rebounds nang pataubin ng Washing-ton ang bumibisitang Orlando.
Nag-ambag si Jabari Parker ng 19 points at 9 rebounds para sa Washington, na 2-0 sa krusyal na five-game homestand. Gumawa ang mga reserve ng Wizards, sa pangunguna nina Bryant, Parker at Chasson Randle (13 points), ng 59 points.
Nanguna si Nikola Vucevic para sa Magic na may 20 points at 14 rebounds. Nakalikom si D.J. Augustin ng 16 points, at nag-dagdag sina Aaron Gordon at Jonathan Isaac ng tig-13 para sa Magic, na natalo ng apat sa lima.
HEAT 108, PISTONS 74
Pinangunahan ni Justise Winslow ang balanced attack na may 16 points, at naitala ng host Miami ang unang 21 points sa second half tungo sa panalo laban sa Detroit.
Na-outscore ng Heat ang Pistons, 33-8, sa third quarter. Ito ang lowest-scoring quarter ng Detroit magmula noong Nov. 21, 2012, nang magtala ang Pistons ng eight-point quarter laban sa Orlando.
Tumipa si Dion Waiters ng 14 points, gumawa sina Hassan Whiteside at Josh Richardson ng tig-13, at nag-ambag si Dwyane Wade ng 11 points mula sa bench para sa Miami.
Nanguna si Blake Griffin para sa Detroit na may 13 points, habang nagdagdag si dating Heat guard Wayne Ellington ng 11 points.
Sa iba pang laro ay kinalawit ng Hawks ang Grizzlies, 132-111.
Comments are closed.