MAHIHIRAPAN na si Sanya Lopez na makalabas sa kanyang karakter bilang Melody sa top rating primetime serye ng Kapuso Network na “First Lady” nila ni Gabby Concepcion.
Ayon kay Sanya, ‘Melody’ o first yaya na ang tawag sa kanya ng mga tao tuwing nasa public place siya. Flattered naman si Sanya, pero nitong nakaraang eleksyon ay mas malala pa ang naging karanasan niya, nang bomoto siya kasama ang kapatid na si Jak Roberto. Pinagkaguluhan si Sanya ng mga botante habang sumisigaw ng first yaya na para bang nasa campaign rally. Dumami ang mga nag-usyoso at gustong magpa-selfie kaya naging magulo ang pila.
Akala siguro ng mga tao, kandidato rin si Gabby Concepcion sa pagkapangulo.
ARIELLA ARIDA PUSH TO THE LIMIT SA DARING SCENES
Enjoy si Ariella Arida sa bago niyang movie under Vivamax, ang “Breathe Again” streaming na starting June 3 sa lahat ng Vivamax App. Makakasama ni Ariella sina Tony Labrusca at Ivan Padilla.
Ani Ariella, sobrang chill katrabaho sina Ivan at Tony.
“We did steamy love scenes and you will see that our director, Raffy Francisco, really pushed the boundaries when it comes to sexiness,” dagdag pa ni Ariella na ngayon ay lume-level up na sa pagpapasexy sa pelikula.
KYLIE PADILLA PROUD NA PROUD KAY ROBIN
HINDI na naitago pa ni Kylie Padilla ang labis na kaligayahan nang makitang kahit unofficial result of vote counts for senatorial candidates na pinangungunahan, as in nasa Top 1 spot, ang amang si Robin Padilla.
Tulad ng ibang anak, sa sobrang tuwa niya ay nagpasalamat agad siya sa mga bumoto kahit unofficial pa ang counting.
“I approached this, like you were not my dad. I did my homework. I did my research. I did not want to be biased. I watched all the interviews and inintindi ko lahat ng sinabi mo. And all i can say I cannot wait for you to make your dreams a reality. I support you with all my heart. You have always been passionate about helping people and now you are in a position where you can make a bigger impact. I’m so happy and proud of you,” say ni Kylie.
Bilang isang botante, ano naman kaya sa palagay ni Kylie ang dahilan kung bakit maraming nagtiwala sa kanyang ama na maluklok ito sa senado?
“Parte ng pagkatao niyang tumulong. He has always been selfless pagdating sa mga taong nangangailangan. If there is one thing I can attest to, my father did not need to become senator to help make change happen,” ang dagdag na say ni Kylie.
BEA ALONZO, JOHN LLOYD CRUZ NO CHANCE MAGSAMA SA ISANG PROYEKTO
Abala si Bea Alonzo sa unang serye niya sa Kapuso Network na si Alden Richards ang kapareha — ang Pinoy adaptation ng hit na hit na Koreanobela na “Start Up”.
Pero worried ang mga followers ng dating Bea-John Lloyd love team dahil parang walang pag-asang magtambal ang kanilang mga idolo kahit pareho silang nasa GMA7.
Pagkatapos kasi ng Start Up, magsu-shooting naman si Bea sa pelikulang “Special Memory” na Philippine adaptation ng isang Japanese TV drama titled “Pure Soul.” So, no chance talaga for now sila ni LLoydie.
Bukas naman si Bea sa balik-tambalan nila ni John Lloyd, pero kelan nga?
ANGELA MORENA HIGH (SCHOOL) ON SEX
Lagare si Angela Morena sa dalawang TV series ng Vivamax, ang “Iskandalo”, streaming every Sunday at ang “High (School) On Sex” na malapit na rin mapanood sa Vivamax App.
Halos lahat ng pelikula ni Angela ay naging mapangahas siya, daring at walang takot sa hubaran. Sa totoong buhay ay napakakonserbatibo niya sa sex issues.
“In every role, I always take it seriously. Challenge ito at pinag-aaralan kong mabuti to show that I can be a versatile actress. As of now, the roles I get are usually malayo sa totoong personality ko. Kasi hindi naman ako temptress sa totoong buhay. Very conservative nga ako,” say ni Angela.
Speaking of “High On Sex”, ang dating Hashtag member na si Wilbert Ross naman ang magiging love interest ni Angela.
MIKEE QUINTO AT PAUL SALAS, IN RELATIONSHIP
WALA man tuwirang pag-amin sa tunay na relasyon sina Paul Salas at Mikee Quinto, pero sabi ni Paul, nasa ‘dating’ stage sila. Gayunman, maraming nagsasabing ‘in relationship’ na ang status ng dalawa. Wa comment naman si Mikee dahil iba-iba ang kanyang leading man sa mga seryeng nagawa niya sa Kapuso Network. Una si Kelvin Miranda in “The Lost Recipe” sinundan ni Sef Cadayona in “Pepito Manaloto” at ngayon nga ay si Dave Borneo naman para as afternoon series ng GMA7 na “Apoy Sa Langit” na pinangunganahan ni Maricel Laxa.
Bakit kaya walang permanenteng ka-loveteam si Mikee?
“It’s nice to be paired with different actors kasi hindi ako identified sa iisang ka-love team lang,” she says. “I learn a lot from the people I work with. Lahat sila, may naitutulong for me to get better in my craft,” ang say ni Mikee.