NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Anti-Illegal Drug Interdiction Task Group ng Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang tatlong parsela na naglalaman ng mga droga.
Ang mga parsela ay nagmula sa mga bansa ng United Sates, France at Pakistan na nakatakdang dalhin sa mga lalawigan ng Negros Occidental, Camarines Sur gayundin sa Makati City.
Ayon sa impromasyon, nakuha sa tatlong parcel ang anim na plastic pouches sa loob ng candies at sa vape cartridge ay ang THC (tetrahydrocannabinol), 1.020 kg ng Ecstasy at 106.46 gramo ng shabu na aabot sa P2.476 milyon ang halaga.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon upang maaresto ang mga consignee dahil sa paglabag ng Republic Act (RA) No. 9165, the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at ng RA 10863, o tinatawag na Customs Modernization and Tariff Act. FROILAN MORALLOS