SHABU INIPIT SA TSINELAS NG PRESO

shabu

UMABOT sa 21 plastic sachets ng shabu ang nakumpiska sa isang preso sa loob ng kanilang selda sa  Navotas City Jail (NCJ).

Sa report ni Assistant City Jail Warden Senior Insp. Henry Laus kay NCJ Warden Supt. Ricky Heart Pergalan, natagpuan ang droga na nakaipit sa kaliwang tsinelas ni Erwin Esguerra, alyas “Boy”, 50, na may kasong paglabag sa Section 11 of R.A 9165.

Maliban sa shabu, nakumpiska rin ni JO1 Jhaffy Zesar De Castro na nakapalaman sa kabilang tsinelas ni Esguerra ang isang mobile phone na pinaniniwalaang ginagamit nito sa kanyang ilegal na transaksiyon ng droga.

Nabatid na ipinag-utos ni  Pergalan na isa ring abogado ang surpresang greyhound operation, dakong alas-9:00 ng umaga kasunod ng ilang ulat ng insidente na may mga ipinapasok na kontrabando sa loob ng city jail sa pamamagitan ng pamingwit.

Samantala, dinala si Esguerra at ang nakumpiskang kontrabando sa kanya sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA. EVELYN GARCIA

Comments are closed.