SHABU IPINANTAYA SA CARA Y CRUZ, 10 KATAO KALABOSO

CARA Y CRUZ

CALOOCAN CITY – NASAKOTE ang sampung hinihina­lang drug personalities kabilang ang isang security guard sa buy bust operation at anti-criminality campaign ng mga pulis noong Huwebes  ng madaling araw.

Ala-1 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Chief Insp. Regie Deimos kontra kay Marick Salvador, 37, security guard, sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. 36 na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Nadakip din ang kanyang mga kasama na si Louie Nickolsow, 46, Raymund Cajucom, 41, at Antonio Valdez III, 38, at narekober sa kanila ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu at buy bust money na nakuha naman kay Salvador.

Nasakote rin ng mga operatiba ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 1 sa isinagawang anti-criminality operations sa 2nd Avenue, BMBA Compound, Brgy. 120 dakong ala-1 rin ng madaling araw sina alyas Mike, 19 anyos, Imelda Abao, 36, Mary Rose Deocalcel, 37, Romualdo Ana, 50, Mary Grace Chica, 39, at Kurt Angelo Pajarillo, 22, na nagsusugal ng “cara y cruz” na gamit umano bilang taya ay shabu.

Nang kapkapan, nakuha kay Villanueva ang isang plastic sachet ng shabu habang ang ilang drug paraphernalia, bukas na plastic sachet na may bahid ng shabu ay narekober sa lugar habang ang isang tube pipe na may bahid ng marijuana ay nakuha naman kay Pajarillo. EVELYN GARCIA

Comments are closed.