STUDE AT 3 KASABWAT, HULI SA P2-M SHABU

shabu

CALOOCAN – NAKUMPISKA ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Northern Police District (NPD) ang aabot sa P2-milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation noong Lunes ng hapon sa East Grace Park.

Nakilala ang target na si alyas Kenjie, 18-anyos, estudyante; at ang tatlong kasabwat nito na sina Jay-R Repol, 25-anyos; Tonton Francia, 21-anyos; at Jason Luza, 23-anyos.

Batay sa nakalap na report mula sa NPD, isang suspek ang nakatransaksiyon ng isang pulis na umaktong buyer para makabili ng droga at nagkasundong magkita sa kahabaan ng 4th ave­nue.

Dinampot ang mga suspek sa aktong pag-aabot ng droga sa pulis.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong  plastic packs na naglalaman ng shabu na tumitimbang sa 300 gramo at may street value na P2,040,000 at buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at nahaharap sa kasong pag­labag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. VICK TANES

Comments are closed.