NAGBUHOS sina Devin Booker at Kevin Durant ng tig-36 points at nagsalpak si Landry Shamet ng apat na 3-pointers sa fourth quarter nang pataubin ng Phoenix Suns ang bisitang Denver Nuggets, 129-124, upang maitabla ang kanilang Western Conference semifinals sa 2-2 noong Linggo ng gabi.
Bumuslo si Booker ng 14-for-18 at nagbigay ng 12 assists habang nagdagdag si Durant ng 11 rebounds at 6 assists sa ikalawang sumod na panalo ng fourthseeded Phoenix.
Si Shamet ay nag- ing surprise hero mula sa bench sa pagtala ng 14 sa kanyang 19 points sa fourth quarter.
Umiskor si Nikola Jokic ng 53 points, ang kanyang career best sa postseason o regular season, at nagbigay ng 11 assists para sa top-seeded Denver. Naipasok niya ang 20 sa 30 field-goal attempts. Nag-ambag si Jamal Murray ng 28 points at 7 assists at nagsalansan si Michael Porter Jr. ng 11 points at 10 rebounds para sa Nuggets.
Ang Game 5 ng best-of-seven series ay nakatakda sa Martes sa Denver. Sa kasalukuyan, ang home team ay nanalo kada laro.
Naglaro ang Suns na wala si veteran point guard Chris Paul (groin) sa ikalawang sunod na laro.
Nagtala sina Booker at Durant ng pinagsamang72 points makaraang magtala ng 86 sa Game 3 win ng Phoenix noong Biyernes.
76ERS 116, CELTICS 115
Isinalpak ni James Harden ang isang 3-pointer, may 19 segundo ang nalalabi sa overtime upang pangunahan ang host Philadelphia 76ers sa back-and-forth 116-115 victory kontra Boston Celtics at maipatas ang kanilang Eastern Conference semifinal series sa 2-2.
Nakakolekta si Harden ng 42 points, 9 assists at 8 rebounds habang kumubra si Joel Embiid ng 34 points at 13 boards para sa third-seeded 76ers, na pinutol ang two-game skid. Gaga- napin ang Game 5 sa Martes sa Boston.
Naipasok ni Hard- en ang 16 sa 23shots mula sa floor — kabi- lang ang 6 of 9 mula sa 3-point range — upang bumawi mula sa pares ng disastrous shooting performances saG- ames 2 at 3. Bumuslo lamang siya ng 5 of 28 mula sa floor at 2 of 13 mula sa arc sa huling dalawang laro.
Nalusutan ni Boston’s Jayson Tatum ang pagmintis sa unang walong tira mula sa floor upang tumapos na may 24 points, 18 rebounds at 6 assists. Tumipa si Jaylen Brown ng 23 points, nagdagdag si Marcus Smart ng 21 points at 7 assists at nag-ambag si Malcolm Brogdon ng 19 points at 8 rebounds mula sa bench para sa second-seeded Celtics.