TULAK ARESTADO SA P3.4 MILYONG HALAGA NG SHABU

shabu

CALOOCAN – NABAWI ng  awtoridad ang P3.4 mil­yong halaga ng shabu sa isa umanong notoryus na tulak ng ilegal na droga matapos na maaresto sa isinagawang buy bust operation.

Kinilala ang naarestong suspek na si Unotan RV Ba­rambangan, nasa hustong gulang ng Phase 4, Package 5, Blk 4, Lot 11, Bagong Silang.

Sa ulat, alas-12:30 ng hapon nang isagawa ng pinagsamang mga operatiba ng PDEA RO 4A (RSET at Que­zon) at PDEA-BARMM sa pangunguna ni IA3 Christopher Basilio sa koordinasyon sa Caloocan Police Community Precinct (PCP) 3 na pina-mumunuan ni Maj. Raymond Nicolas ang buy bust operation sa harap ng isang restaurant sa Phase 4, Package 4, Brgy. 176, Bagong Silang na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Narekober sa suspek ang limang piraso ng knot tied transparent plastic bag na naglalaman ng hinihina­lang shabu na tumitimbang ng 500 gramo at tinatayang nasa P3,400,000 market value ang halaga at dalawang genuine P500 na ginamit bilang boodle buy bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. EVELYN GARCIA

Comments are closed.