4 KALABOSO SA P.5 MILYON SHABU

shabu

NAVOTAS CITY – NAKUMPISKA ng awtoridad ang mahigit sa P.5 milyon halaga ng shabu sa apat na hinihinalang big-time drug pushers na nasakote sa drug buy bust operation sa Malabon City at Navotas City, Martes ng gabi at Miyerkoles ng madaling araw.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao. dakong alas-3 ng madaling araw nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan ang buy bust operation kontra kay Gabriel Angeles, 38, ng Brgy. Daang Hari, Navotas at Christian Santos, 31, ng Sto Niño, Brgy. Hulong Duhat, Malabon sa Gervacio St., Brgy. Hulong Duhat matapos ang isang ling-gong surveillance operation.

Kaagad dinamba ang dalawa matapos magbenta ng isang plastic sachet ng shabu sa isang police poseur-buyer kapalit ng P500 marked money.

Nang kapkapan, nakuha pa sa mga suspek ang siyam na plastic ­sachets ng shabu na tumitimbang sa 25.339 gramo na may street value P172,244 ang halaga.

Samantala, sa ulat naman ni Navotas police chief P/Col. Rolando Bala­sabas kay Gen. Ylagan, dakong alas-8:20 ng Martes ng gabi nang madakip din sa buy bust operation ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Charlie Bontigao sa Santillan St., Brgy. San Jose ang dalawa umanong big-time drug pushers na si Arman Libao, 44, ng 46 Miguel St., Brgy. NBBN, at Eduardo Cinco, 38, ng Goldrock St., Brgy. San Roque. EVELYN GARCIA

Comments are closed.