HINDI bumoto kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ito ay base sa impormasyon na ibinigay ni Special Assistant to the President Christo-pher “Bong” Go.
Gayunman, walang ibinigay na dahilan ang Palasyo sa hindi pagboto ng Pangulo.
Ang Pangulong Duterte ay bumuboto sa isa sa mga presinto ng Daniel R. Aguinaldo High School sa Matina Talomo District sa Davao City.
Handang-handa ang mga guro sa nabanggit na paaralan at maging ang wooden arm-chair na ginamit ng Pangulo noong 2016 Presidential elections na nakalaan para sa kanya ay inihanda rin.
Samantala, nakaboto naman si Go sa Buhangin Elementary School sa Davao City.
Si Presidential spokesman Harry Roque ay nakaboto na rin sa Brgy. White Plains, Quezon City habang si Presidential Communications Secretary Martin Andanar ay nakaboto naman sa Pedro E. Diaz High School sa Brgy. Alabang, Muntinlupa City. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.