QUEZON CITY- NAGBABALA ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa injectable liquid shabu na ibinibenta online o sa social media.
Ito ay matapos na masamsam ang 26 syringes sa isang buy bust operation sa Mandaluyong City kamakailan.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nagkakahalaga ang bawat syringe ng P1,000.
Babala ng ahensiya, peligroso ang mga injectable shabu dahil direktang papasok at mananalatay sa mga ugat ang kemikal na may malakas na dosages at malaki ang posibilidad na ma-overdose habang lantad din sa pagkahawa-hawa ng iba’t ibang uri ng sakit gaya ng HIV at AIDS.
Nabatid na bawat syringe ay naglalaman ng 10.4 milliliters na liquid shabu.
Tiniyak din ng awtoridad na hindi nila tatantanan ang mga nagbebenta ng injectable shabu. VERLIN RUIZ
Comments are closed.