QUEZON CITY – POSIBLENG umabot sa mahigit isang tonelada ang shabu at tinatayang aabot sa P11 bilyon ang halaga ng nakalusot na shabu na nakalagay sa magnetic lifters na natagpuan sa GMA, Cavite, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasunod ng ginawang pagkambyo ni Bureau of Custom chief Isidro Lapeña na posibleng may lamang droga ang apat na magnetic lifters.
Ito ay ayon kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino at makaraang muli nilang pinatimbang ang magnetic lifters na sinasabing pina-glagyan ng kilo-kilong shabu.
Ayon kay Aquino, muli nilang inilagay sa container van ang mga magnetic lifter na may kaparehong bigat ng unang pina-glagyan at sinasakay naman nila ang container van sa orihinal na truck na naglabas sa port area ng magnetic lifters saka muli nila itong tinimbang sa tanggapan ng DPWH sa Calamba, Laguna.
Nabatid na lumabas na mahigit sa 1,618 kilo ang nawawala nang ikinumpara nila sa orihinal na timbang na umano’y may laman pang shabu ang magnetic lifters kumpara ngayong wala nang laman.
Hinala ni Aquino, ito ang bigat ng halaga ng bawal na gamot na nailusot, na kung susumahin ay aabot sa mahigit P11 bilyon taliwas sa unang kwenta nila na P6.8 bilyon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.